Panukalang Proyekto
Ano ang Panukalang Proyekto?
Ang panukalang proyekto ay isang akto ng paglalatag ng mga plano at adhikain ng isang proyekto ng isang pangkat. Ang pangunahing tuon nito ay ang kapakinabangang maidudulot sa mga tao sa isang tiyak na komunidad na saklaw ng ilulunsad na programa.
Ayon kay Dr. Phil Bartle
Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong paglalarawan ng mga inihahaing gawain na may layuning lumutas ng tiyak na suliraning nararanasan ng isang komunidad o sektor ng lipunan.
Ayon kay Besim Nebiu (2002)
Ang panukalang proyekto ay isang latag ng kabuuang mungkahing plano ng mga gawaing nakaugnay sa paglulunsad ng isang proyekto.
Katangian ng Panukalang Proyekto
- Detalyado
- Malinaw
- Tapat
- Mapanghikayat
- Impormatibo
- Payak
- Bukas sa mga puna at mungkahi
- Makabuluhan at makatotohanan
Layunin ng Panukalang Proyekto
- Magabayan ang buong pagpapatupad ng proyekto
- Makapangalap ng pondo (sulating aplikasyon sa pagkalap ng pondo)
- Makapanghikayat ng kalahok (imbitasyong dokumento para sa mga kalahok)
- Marating ang pampublikong sektor (imbitasyon ng suporta para sa lokal na pamahalaan)
- Matagubilinan ang pagtatasa (batayang dokumento ng idinaos na proyekto)
Balangkas ng Panukalang Proyekto
- Panimula – Nakasaad dito ang mga rasyonal, mga suliranin, o ang dahilan ng panukalang proyekto.
- Katawan – Binubuo ito ng mga detalye tungkol sa mga kailangang gawin at ang badyet para sa proyekto.
- Katapusan o Konklusyon – Nilalahad dito ang mga benepisyong makukuha sa proyekto.
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
- Pamagat – Pinaikling bahagi ng ulat-panukala o ang pangunahing pangangailangan.
- Nagpadala o Proponent – Pangalan ng may-akda ng panukala, petsa ng pagsusumite, at tagal ng proyekto.
- Badyet o Pondong Kinakailangan – Kalkulasyon ng halagang gugugulin para sa proyekto.
- Pagpapahayag ng Suliranin o Rasyunal – Pangangailangan at dahilan ng proyekto na may wastong pamagat.
- Deskripsiyon ng Proyekto – Inilalarawan ang proyektong gagawin.
- Layunin ng Proyekto – Mga layuning nais makamit ng proyekto.
- Kasangkot sa Proyekto – Mga taong may gampanin sa proyekto.
- Kapakinabangang Dulot – Mga taong makikinabang sa proyekto at kanilang magiging benepisyo.
- Plano ng Gawain o Talakdaan at Estratehiya – Mga hakbang na isasagawa at ang panahong gugugulin upang matapos ang proyekto.
Comments
Post a Comment