Posisyong Papel
Ano ang Posisyong Papel?
Ang posisyong papel ay isang sulating nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang napapanahon at makabuluhang isyu. Naglalaman ito ng mga katwiran o ebidensya upang suportahan ang paninindigan. Bukod dito, isinasaalang-alang din ang mga argumento ng kabilang panig upang mapabulaanan o mapahina ang kanilang bisa (Bernales, 2017).
Ayon sa The Free Dictionary, ang posisyong papel ay isang detalyadong ulat ng polisiya na nagpapaliwanag, nagmamatuwid, o nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos. Karaniwan itong nasa anyo ng sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa isang paksa o usapin.
Layunin ng Posisyong Papel
Ang pangunahing layunin ng posisyong papel ay manghikayat at makaimpluwensiya sa mambabasa upang pumanig sa paninindigan ng manunulat. Mahalaga rin na ipakita ang kasapatan ng kaalaman sa paksa at ipaliwanag ang mga dahilan sa pagkiling sa isang panig.
Mga Katangian ng Posisyong Papel
- May malinaw na posisyon sa isang partikular na isyu na may matibay na basehan.
- Nakabatay sa mga ebidensya tulad ng estadistika, pananaliksik, at mga mapagkakatiwalaang sanggunian.
- Hindi gumagamit ng personal na atake laban sa kabilang panig.
- Gumagamit ng akademikong lengguwahe at pormal na tono ng pagsulat.
- Isinasaalang-alang ang argumento ng kabilang panig at nagpapakita ng mga kahinaan nito.
- Nagmumungkahi ng solusyon upang mas lumalim ang pagtalakay sa isyu.
Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
- Tukuyin ang isyu o paksang tatalakayin
- Magpasya sa magiging posisyon
- Isulat ang introduksyon
- Ipakita ang argumento ng kabilang panig
- Pahinain ang argumento ng kabilang panig
- Ilahad ang sariling argumento at ebidensya
- Unang argumento
- Ilahad ang opinyon at magbigay ng tatlo o higit pang ebidensya.
- Ikalawang argumento
- Ilahad ang opinyon at magbigay ng tatlo o higit pang ebidensya.
- Ikatlong argumento
- Ilahad ang opinyon at magbigay ng tatlo o higit pang ebidensya.
- Unang argumento
- Isaalang-alang ang mambabasa
- Isulat ang kongklusyon
- Isaalang-alang ang etika sa pagsulat
- Gumamit ng lohikal na pangangatwiran
Comments
Post a Comment